Ano ang Bukol sa Tiyan (Abdominal Mass o Lump)?

Ang bukol sa tiyan o abdominal mass o lump ay ang hindi normal na pagtubo o pagkumpol-kumpol ng abdominal tissue sa alinmang bahagi ng tiyan. Batay sa kung gaano kalala ang kondisyon, maaaring makaranas ang pasyente ng iba-ibang sintomas na gaya ng:

Karaniwang sanhi ng bukol sa tiyan ay cyst, kanser, o iba pang mga karamdaman. Maaari namang magamot o matanggal ang bukol sa tiyan batay na rin sa kalagayan ng pasyente. Madalas ay mabagal lumaki ang bukol sa tiyan kaya kung ito ay makakapa o mapapansin agad, mas mataas ang pagkakataon na ito ay magamot. Upang makasiguro kung ano ang sanhi ng bukol sa tiyan at kung anong mga lunas ang dapat gawin, maaaring sumailalim ang pasyente sa iba’t ibang mga pagsusuri, gaya ng blood test, urine test, abdominal ultrasound, at iba pa.

Mga Posibleng Sanhi ng Bukol sa Tiyan

Maraming puwedeng sanhi ng bukol sa tiyan. Ang pinakakaraniwang mga sanhi nito ay cyst o kaya naman ay mga sakit na gaya ng kanser at iba pa.

Cyst. Ang cyst ay isang uri ng bukol na maaaring mamuo sa kahit anong bahagi ng katawan, kabilang na rito ang tiyan. Ito ay tila isang maliit o malaking supot na membranous tissue na karaniwang naglalaman ng likido, hangin, at iba pang mga bagay. Hindi naman kadalasang cancerous at mapanganib ang cyst, subalit madalas na ipinapayong sumailalim sa operasyon o iba pang treatment procedure ang pasyente upang matanggal ito. Halimbawa ng mga cyst sa tiyan ay:

  • Ovarian cyst (Isang uri ng cyst na nakaaapekto sa mga obaryo ng kababaihan)
  • Pancreatic pseudocyst (Pagkakaroon sa lapay ng tila maliliit na supot na naglalaman ng likido)
  • Pancreatic abscess (Isang uri ng cyst sa lapay na may nana o impeksiyon)
  • Peritoneal inclusion (Isang uri ng benign cyst sa peritoneal surface ng tiyan)

Kanser. Isa rin ang kanser sa mga sanhi ng bukol sa tiyan. Kumpara sa cyst, ito ay mas mapanganib sapagkat ang mga bukol sa kanser ay kumakalat at maaaring ikamatay ng pasyente kung hindi matatanggal o malulunasan. Ilan sa mga uri ng kanser na maaaring magdulot ng bukol sa tiyan ay:

Ibang mga karamdaman. Hindi lamang kanser ang uri ng karamdaman na maaaring magdulot ng bukol sa tiyan. Puwede ring maging sanhi ng bukol sa tiyan ang mga sumusunod na sakit:

  • Crohn’s disease. Ang Crohn’s disease ay isang uri ng inflammatory bowel disease na kung saan ay namamaga at naiirita ang mga bituka. Sa pagkairita ng mga bituka, tumataas ang pagkakataon ng pasyente na magkaroon ng mga bukol sa tiyan.
  • Luslos. Ang luslos o hernia ay ang paglusot ng ilang mga organ sa marupok na bahagi ng abdominal wall. Dahil dito, ang organ na lumusot ay nagdudulot ng pag-umbok sa apektadong bahagi ng tiyan.
  • Bowel obstruction. Sa kondisyong ito, ang mga bituka ay maaaring nabarahan ng matigas na dumi, foreign body, o iba pang mga bagay. Maaari ring maging sanhi ng pagbabara ang pagpilipit ng mga bituka. Kapag hindi mailabas ng bituka ang dumi, maiipon ito sa loob at magdudulot ng bukol at pag-umbok ng tiyan.
  • Abdominal aortic aneurysm. Ang sakit na ito ay ang hindi normal na paglaki ng Ang aorta ay ang pinakamalaking ugat na nagdadala ng dugo sa tiyan, balakang, at mga binti. Dahil dumadaan din sa tiyan ang aorta, ang paglaki ng ugat na ito ay nagdudulot ng bukol o pag-umbok sa nasabing bahagi.
  • Diverticulitis. Ang mga bituka ay may mga bahaging tinatawag na Ito ay tila maliliit na mga bulsa sa loob ng mga bituka. Kapag nagkaroon ng impeksiyon ang mga supot na ito, magkakaroon ang pasyente ng diverticulitis. Dahil sa pamamaga ng mga diverticula, naaantala nito ang maayos na paglabas ng dumi at nagdudulot ng pagbabara. Kapag napuno ang mga bituka, maaari itong magdulot ng bukol at pag-umbok ng tiyan.
  • Splenomegaly. Ang splenomegaly ay ang paglaki ng spleen o pali. Ang pali ay tumutulong sa pagsala ng dugo upang mapalakas ang immune system. Subalit, maaari itong lumaki kapag ito ay nagkaroon ng impeksiyon o kaya naman ay may problema sa atay ang pasyente. Dahil sa paglaki ng pali, maaaring may makapang bukol sa bandang kaliwa at itaas na bahagi ng tiyan.
  • Hepatomegaly. Sa hepatomegaly naman, atay ang lumalaki at naaapektuhan. Ang atay ay tumutulong sa pagtunaw ng mga taba, gamot, at lason sa katawan. Subalit, maaari itong mapinsala kung ang pasyente ay umiinom ng labis na alak o kaya naman ay may ibang iniindang karamdaman gaya ng kanser at viral hepatitis. Maaaring magdulot ang mga ito ng paglaki ng atay, kaya naman posibleng may makapang bukol sa bandang kanan at itaas na bahagi ng tiyan.
  • Hydronephrosis. Sa kondisyong ito, namamaga ang isa o parehong bato o kidney. Bukod dito, hindi rin makadaloy nang maayos ang ihi palabas ng katawan kaya naman ito ay naiipon at nagdudulot ng bukol o pag-umbok sa bandang tagiliran ng tiyan.

Mga Posibleng Komplikasyon ng Bukol sa Tiyan

Ang bukol sa tiyan ay isang nagagamot na kondisyon, subalit maaari itong magdulot ng mga mapanganib na komplikasyon sa pasyente kung ito ay ipagsasawalang-bahala. Halimbawa ng mga posibleng komplikasyon ng bukol sa tiyan ay:

  • Pagkakaroon ng impeksiyon
  • Pagkakaroon ng ascites o pamumuo ng likido sa tiyan
  • Pagkakaroon ng gastrointestinal perforation o pagkapinsala ng organ ng tiyan
  • Pagkakaroon ng sepsis o pagkalason ng dugo
  • Pagkabaog
  • Pagiging hirap sa pag-ihi o pagdumi
  • Permanenteng pagkapinsala ng mga bato
  • Permanenteng pagkapinsala ng atay
  • Permanenteng pagkapinsala ng lapay
  • Pagkakaroon ng rupture aortic aneurysm o pagputok ng aorta
  • Pagbabara ng mga maliliit at malalaking bituka
  • Pagiging cancerous ng mga benign na bukol
  • Pagkakarooon ng matinding pagdurugo

Upang maiwasan ang mga ganitong uri ng komplikasyon, mas makabubuti kung magpapakonsulta agad sa doktor kung may nakapang bukol sa tiyan at nakaramdam ng iba pang mga sintomas.

Mga Sanggunian: