Ano ang Pagkakapos ng Hininga (Shortness of Breath)?

Ang pagkakapos ng hininga (shortness of breath) ay kilala sa tawag na dyspnea sa larangan ng medisina. Ayon sa mga doktor, wala namang dapat ikabahala kung nakararanas nito lalo na kung ang sanhi lamang ay mainit na panahon, pagkapagod, pagpunta sa mataas na lugar, panandaliang pag-aalala, at matinding emosyon. Gayunpaman, hindi rin dapat balewalain ang pagkakapos ng hininga lalo na’t maaaring indikasyon rin ito ng ibang mga sakit sa baga at puso.

Kung kinakapos ng hininga ang isang tao, maaaring maging mabilis at mababaw ang kanyang paghinga, o kaya naman ay tila umaagahas ito. Sa iba naman, ang kakapusan sa paghinga ay nagbibigay ng pakiramdam na tila nalulunod o sinasakal. Bukod sa pagkakapos ng hininga, maaari ring makaranas ng pananakit o paninikip ng dibdib, mabilis na pagtibok ng puso, pag-ubo, pagkahilo, pananakit ng leeg, at iba pa ang pasyente.

Upang manumbalik ang normal na paghinga, kailangang matukoy ang sanhi nito. Kung ang sanhi ay mga pangkaraniwang dahilan katulad ng mainit na panahon, pagkapagod, at iba pa, kailangan lamang na gawing komportable ang sarili o kaya naman ay magpahinga. Subalit, kung ang kakapusan ng hininga ay sintomas ng isang medikal na kondisyon, kailangang gamutin ang sakit na nagdudulot nito.

Mga Posibleng Sanhi ng Pagkakapos ng Hininga

Image Source: www.freepik.com

Maraming mga posibleng sanhi ng pagkakapos ng hininga. Ilang halimbawa ng mga sanhing ito ang mga sumusunod:

  • Mainit na panahon. Kung mapapansin, mas mahirap huminga kapag mainit ang panahon. Ito ay dahil sa ang mainit na hangin ay nagtataglay ng mas maraming moisture kaysa sa malamig na hangin. Kapag mas maraming moisture ang hangin, nagiging maalinsangan ang paligid at mas bumababa ang dami ng Dahil sa kakaunting oxygen, kinakapos ng hininga ang isang tao.
  • Pagpunta sa mataas na lugar. Bagama’t ang mga matataas na lugar ay karaniwang malamig, maaari rin itong magdulot ng hirap sa paghinga. Gaya ng mainit na hangin, ang malamig na hangin ay nagtataglay din ng kaunting dami ng Kahit hindi kumikilos ang isang tao, basta’t siya ay nasa mataas na lugar katulad ng mga bundok, mas mabilis ang kanyang paghinga at pagtibok ng puso kumpara sa kung siya ay nasa kapatagan lamang.
  • Pag-aalala. Ang pag-aalala o anxiety ay maaari ring magdulot ng pagkakapos ng hininga. Kapag nag-aalala ang isang tao, siya ay kadalasang iritable at nawawala sa konsentrasyon. Bagama’t hindi lahat ng may anxiety ay mayroong mabigat na kinatatakutan o problema, inihahanda pa rin ng utak ang tinatawag na fight or flight response para “mailigtas” ang buhay ng taong may anxiety. Kapag nakararamdam ng pag-aalala ang isang tao, ang gagawin ng utak ay uutusan ang puso na bilisan ang pagbomba ng dugo sa mga bahagi ng katawan upang mas maging handa ito sa anumang posibleng mangyari. Dahil dito, nagiging mas mabilis at mas mababaw ang paghinga ng isang tao.
  • Matinding emosyon. Ang mga matitinding emosyon katulad ng labis na pagkagalit o pagkalungkot ay maaari ring maging sanhi ng pagkakapos ng hininga. Gayunpaman, mabilis namang bumalik sa normal na paghinga kung humupa na ang galit, lungkot, o iba pang pakiramdam. Kapag nakararanas ng matinding emosyon, bumubulusok ang dami ng stress hormone at mas bumibilis ang pagtibok ng puso at paghinga. Sumisikip din ang mga daluyan ng dugo at tumataas ang presyon. Dahil dito, hindi makarating ang sapat na dami ng oxygen sa mga baga.
  • Pagkapagod. Kung ang isang tao ay pagod, kadalasang kinakapos din siya ng hininga. Kung katatapos lang mag-ehersisyo o gumawa ng mabibigat na trabaho o gawaing-bahay, sumisikip ang mga airway o daluyan ng hangin ng mga baga. Magiging mas malubha ang epekto sa mga airway ng isang tao lalo na kung hindi siya sanay sa mga mabibigat na gawain.
  • Paglanghap ng mga air pollutant. Ang paglanghap ng mga air pollutant gaya ng usok mula sa mga sasakyan, usok mula sa sigarilyo, at alikabok ay pwede ring magdulot ng hirap sa paghinga. Maging ang mga mineral sa minahan tulad ng asbestos ay mapanganib para sa mga baga. Ito ay dahil ang mga bagay na ito ay naka-iirita at nakapipinsala ng mga airway ng baga.
  • Obesity o labis na katabaan. Kung ang isang tao ay obese o labis ang katabaan, mas masikip at mas marupok ang mga daluyan ng kanyang dugo. Tandaan na ang mga daluyan ng dugo ang nagdadala ng oxygen sa buong katawan. Dagdag dito, ang labis na timbang ay nagdudulot ng mas mabilis na pagkapagod kahit sa paggawa ng mga simpleng bagay tulad ng paglalakad at pag-akyat sa hagdan.
  • Pagkakaroon ng allergic reaction. Maaari ring kapusin ng hininga ang isang tao kapag siya ay nalantad sa mga allergen na gaya ng pollen o pag-inom at pagkain ng mga bagay kung saan siya ay may alerhiya. Kapag nalantad sa anumang allergen, magkakaroon ng paninikip ang mga airway ng baga kaya naman nahihirapan sa paghinga.
  • Pagkabali ng mga buto sa paligid ng baga. Kung ang isang tao ay naaksidente at nabalian ng mga buto sa paligid ng baga (halimbawa na lang ang tadyang o ribs), maaaring mapinsala ang mga tisyu at airway. Dahil dito, hindi magagampanan nang maayos ng mga baga ang kanilang mga tungkulin.
  • Side effect ng pag-inom ng ilang mga uri ng gamot. May mga gamot na nagdudulot ng pagkakapos ng hininga. Halimbawa ng mga ito ay aspirin, ACE inhibitor, NSAID, anticonvulsant, beta blocker, calcium channel blocker, cholinergic, antihypertensive, antibiotic, antifungal, antimicrobial, antiretroviral, digoxin, interferon, at mga chemotherapy agent.
  • Pagbubuntis. Ang mga buntis ay madalas ding kapusin ng hininga. Ito ay dahil sa ang lumalaking bata sa sinapupunan ay naiipit ang ilang bahagi ng katawan, kabilang na rito ang mga baga.
  • Pagkakaroon ng ibang sakit. Ang mga taong kinakapos ng hininga ay maaaring mayroong ibang sakit. Kadalasan, ito ay indikasyon na may sakit sa baga o puso ang isang tao.

Mga Sakit na Kaakibat ng Pagkakapos ng Hininga

Gaya ng nabanggit noong una, ang kinakapos ng hininga ay maaaring indikasyon ng isang medikal na kondisyon. Karaniwang nauugnay ito sa mga sakit sa baga o puso. Halimbawa ng mga sakit na kaakibat nito ay ang mga sumusunod:

Mga sakit sa baga:

Mga sakit sa puso:

Iba pang mga kaakibat na sakit:

  • Anemia
  • Panic attack
  • Severe anxiety
  • Hiatal hernia
  • Anaphylaxis
  • Muscular dystrophy
  • Paralysis
  • Hemosiderosis
  • Kyphoscoliosis
  • Myasthenia gravis
  • Coccidiomycosis
  • Blastomycosis
  • Aspergillosis
  • Guillain-Barre syndrome
  • Polymyositis

Upang hindi kapusin ng hininga, mainam na panatilihing malusog ang pangangatawan sa pamamagitan ng pagbabawas ng timbang, pagtigil sa paninigarilyo, at pag-eehersisyo. Iwasan din ang anumang allergen na maaaring magdulot ng hirap sa paghinga. Dagdag dito, kumain ng maraming mga prutas at gulay upang lumusog ang mga baga, puso, at iba pang mga bahagi ng katawan.

Sanggunian: