Ano ang Pananakit ng Tiyan (Abdominal Pain)?

Ang pananakit ng tiyan o abdominal pain ay ang pananakit ng mga bahaging sakop ng tadyang hanggang balakang. Ang pananakit na nararamdaman ay puwedeng generalized o localized. Sa generalized abdominal pain, ang panananakit ay nararamdaman sa buong bahagi ng tiyan. Samantala, sa localized abdominal pain naman, ang pananakit ay nararamdaman lamang sa isang partikular na region o bahagi ng tiyan.

Mayroon ding tatlong uri ang pananakit ng tiyan kung ibabatay ito sa kung gaano kabilis nagsimula ang pananakit at kung gaano ito katagal naramdaman bago nawala. Ang tatlong uring ito ay acute, chronic, at progressive abdominal pain. Kung ang pananakit ng tiyan ay nagtagal lamang ng ilang oras o araw, ito ay matatawag na acute abdominal pain. Sa chronic abdominal pain naman, ang pananakit ay kadalasang tumatagal ng ilang linggo o buwan. Maaari ring hindi makaranas ng pananakit ng tiyan araw-araw at sa halip ay pasulpot-sulpot lamang. Panghuli, ang progressive abdominal pain naman ay isang uri ng pananakit ng tiyan na lumalala habang tumatagal. Isa itong seryosong kondisyon sapagkat bukod sa tumitinding pananakit ay kadalasang nakararanas din ang pasyente ng iba pang mga sintomas, gaya ng pagtatae, lagnat, pagkapagod, pagkakaroon ng dugo sa tae, pagbaba ng timbang, at iba pa.

Maraming dahilan kung bakit nagkakaroon ng pananakit ng tiyan. Kadalasan, ito ay dulot ng sobrang hangin sa tiyan, impatso o indigestion, pagtitibi o constipation, food poisoning, at iba pa. Puwede ring sintomas ng isang malubhang kalagayan ang pananakit ng tiyan, gaya ng kanser. Gayunpaman, ayon sa mga dalubhasa, ang pananakit ng tiyan ay hindi senyales ng malubhang sakit kung nawawala ito pagkatapos ng ilang mga araw ng gamutan.

Mga Posibleng Sanhi ng Pananakit ng Tiyan

Upang mabigyan ng wastong lunas ang pananakit ng tiyan, kailangan munang matukoy kung ano ang sanhi nito. Narito ang mga pangkaraniwang sanhi ng pananakit ng tiyan at mga sanhi batay sa bahagi kung saan nakararamdam ng pananakit:

Mga pangkaraniwang sanhi ng pananakit ng tiyan:

  • Sobrang hangin sa tiyan
  • Labis na pag-eehersisyo
  • Impatso
  • Pagtitibi
  • Food poisoning
  • Food allergy
  • Pagtatae
  • Pagsusuka
  • Stress
  • Side effect ng pag-inom ng gamot
  • Dysmenorrhea o menstrual cramps
  • Acid reflux
  • Gastroenteritis o stomach flu
  • Amoebiasis
  • Impeksyon

Mga pangkaraniwang sanhi ng labis na pananakit ng tiyan (severe abdominal pain):

Mga sanhi ng generalized abdominal pain:

Mga sanhi ng localized abdominal pain (lower abdominal region):

  • Appendicitis
  • Intestinal obstruction
  • Ectopic pregnancy

Mga sanhi ng localized abdominal pain (upper abdominal region):

Mga sanhi ng localized abdominal pain (central abdominal region):

  • Appendicitis
  • Gastroenteritis
  • Pinsala o injury sa tiyan
  • Uremia

Mga sanhi ng localized abdominal pain (lower left abdominal region):

  • Crohn’s disease
  • Kanser
  • Impeksyon sa bato
  • Ovarian cysts
  • Appendicitis

Mga sanhi ng localized abdominal pain (upper left abdominal region):

  • Paglaki ng pali o enlarged spleen
  • Fecal impaction
  • Pinsala o injury sa tiyan
  • Impeksyon sa bato
  • Atake sa puso
  • Kanser

Mga sanhi ng localized abdominal pain (lower right abdominal region):

Mga sanhi ng localized abdominal pain (upper right abdominal region):

  • Hepatitis
  • Pinsala o injury sa tiyan
  • Pulmonya
  • Appendicitis

Mga sanhi ng localized abdominal pain sa mga babae (lower abdomen):

  • Dysmenorrhea
  • Ovarian cysts
  • Pagkalaglag o miscarriage
  • Fibroids
  • Endometriosis
  • Pelvic inflammatory disease (PID)
  • Ectopic pregnancy

Mapapansin na ang ilang mga sakit na nabanggit sa itaas ay maaaring magdulot ng generalized pain o localized pain sa iba-ibang mga bahagi ng tiyan. Ito ay dahil madalas na naka-depende ang uri ng sakit na nararamdaman sa kalagayan ng pasyente. Halimbawa, ang appendix ay matatagpuan sa bandang kanan ng tiyan. Kung may appendicitis ang pasyente, puwede siyang makaranas ng localized pain sa bandang kanan ng tiyan kung hindi pa gaanong malala ang kondisyon. Puwede ring umabot ang pananakit hanggang sa gitnang bahagi ng tiyan. Pero kapag ang appendix ay malapit ng pumutok o pumutok na, maaaring magdulot ito ng generalized abdominal pain o pananakit ng buong tiyan.

Mapapansin din na ang sakit gaya ng impeksyon sa bato (kidney infection) ay nagdudulot ng localized pain sa iba’t ibang mga bahagi ng tiyan, partikular na sa lower left at lower right region. Ito ay dahil dalawa ang mga kidney ng katawan at matatagpuan ang mga ito sa kaliwa at kanang bahagi.

Mapapansin din na may mga sakit na hindi man mismo sa tiyan nagsisimula ay puwede pa ring magdulot ng pananakit ng tiyan. Halimbawa, kapag inaatake sa puso ang isang tao, maaari siyang makaramdam ng pananakit sa dibdib na umaabot sa bandang itaas na bahagi ng tiyan.

Narito naman ang mga posibleng sanhi ng pananakit ng tiyan batay sa kung gaano kabilis nagsimula ang pananakit at kung gaano ito katagal natapos:

Mga sanhi ng acute abdominal pain:

  • Abdominal aortic aneurysm
  • Appendicitis
  • Atake sa puso
  • Cholangitis
  • Cholecystitis
  • Cystitis
  • Diabetic ketoacidosis
  • Diverticulitis
  • Duodenitis
  • Ectopic pregnancy
  • Fecal impaction
  • Pinsala o injury sa tiyan
  • Intestinal obstruction
  • Intussusception
  • Impeksyon sa bato
  • Kidney stones
  • Liver abscess
  • Mesenteric ischemia
  • Mesenteric lymphadenitis
  • Mesenteric thrombosis
  • Pancreatitis
  • Pericarditis
  • Peritonitis
  • Pleurisy
  • Pulmonya
  • Pulmonary infarction
  • Ruptured spleen
  • Salpingitis
  • Sclerosing mesenteritis
  • Shingles
  • Spleen infection
  • Splenic abscess
  • Torn colon
  • Urinary tract infection
  • Viral gastroenteritis

Mga sanhi ng chronic abdominal pain:

Mga sanhi ng progressive abdominal pain:

Mga Komplikasyon ng Pananakit ng Tiyan

Ang simpleng pananakit ng tiyan ay puwedeng mawala sa pamamagitan ng pag-inom ng pain reliever, pagtigil sa pagkain ng mga bawal na pagkain, pag-inom ng maraming tubig, pagpapahinga, at iba pa. Subalit, kung ang pananakit ng tiyan ay dulot ng mas malubhang kondisyon at ito ay mapapabayaan, maaari itong magresulta sa iba’t ibang mga komplikasyon.

Ayon sa mga doktor ang masakit na tiyan na hindi nagagamot ay puwedeng magdulot ng psychological distress, gaya ng depresyon at anxiety. Puwede rin itong magdulot ng permanenteng pagkapinsala ng mga bituka ng tiyan, impeksyon sa dugo, hirap sa pagdumi, malnutrisyon, dehydration, chronic diarrhea, at marami pang iba.

Kung nakararanas ng pananakit ng tiyan, agad na magpakonsulta sa doktor lalo na kung:

  • Mas tumitindi ang pananakit ng tiyan
  • Pabalik-balik ang pananakit ng tiyan
  • Sumasakit ang tiyan sa tuwing kumakain
  • Biglang bumaba ang timbang
  • May pagbabago sa dami ng ihi
  • May pananakit sa pag-ihi
  • May hindi normal na pagdurugo sa ari
  • Hindi nawawala ang pagtatae sa loob ng 3 araw

Sanggunian: