Solusyon para sa hangover

Ang hangover ay ang epekto na karaniwang nararanasan pagkatapos ng sobrang pag-inom ng alak. Kadalasan, ito ay nararanasan sa paggising sa umaga pagkatapos ng gabi ng sobrang pag-iinuman. Dito’y makakaranas ng matinding pananakit ng ulo, pagkahilo, pag-ikot ng paningin, pagsusuka, pananakit ng mga kalamnan, panghihina, at hirap sa konsentrasyon.

Ayon sa mga dalubhasa, ang hangover ay maaaring dulot ng kakulangan ng tubig sa katawan (dehydration) na bunga ng sobrang alak. Maaaring dahil din daw ito sa bahagyang pamamaga ng utak na dulot pa rin ng sobrang nainom na alak.

Upang maginhawaan mula sa mga sintomas na hatid ng hangover, maaaring sundin ang mga sumusunod na tips:

1. Uminom ng maraming tubig

Image Source: unsplash.com

Dahil sa epekto ng alak na nakaka-dehydrate ng katawan, kinakailangang mapanumbalik muli ang nawalang tubig. Uminom lang nang maraming tubig upang mabawasan ang epekto na dehydration. Makabubuti kung iinom ng tubig bago matulog sa gabi, at pagkagising sa umaga.

Basahin ang kahalagahan ng sapat na pag-inom ng tubig: Kahalagahan ng pag-inom ng tubig.

2. Uminom ng 2 tableta ng paracetamol

Image Source: www.freepik.com

Makatutulong din na mapahupa ang epektong nararanasan kung iinom din ng 2 tableta ng paracetamol. Epektibo nitong aalisin ang pananakit ng ulo at katawan nang hindi nakakapangasim ng sikmura.

Alamin kung paano ginagamit ang gamot na paracetamol: Paracetamol.

3. Kumain ng saging

Image Source: unsplash.com

Kasama sa mga nawawala sa katawan kung lasing ay ang mahalagang mineral na potassium. Mas mapapadali ang paggaling mula sa hangover kung kakain ng ilang pirasong saging ayon sa mga eksperto.

Basahin ang kahalagahan ng mineral na potassium mula sa pagkain: Kahalagahan ng potassium.

4. Magpahinga pang muli.

Image Source: unsplash.com

Kinakailangan din ang karagdagang pagpapahinga kung mayroong hangover upang mas mabilis na. Huwag piliting magtrabaho at ituring na sakit ang kondisyong nararansan.

Basahin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng sapat na tulog: 5 kahalagahan ng tulog.

5. Iwasan ang nakaugaliang “panghugas na inom”

Image Source: capobythesea.com

May nakaugalian na kailangang uminom muli ng alak para mahugasan ang tiyan mula sa unang ininom na alak at nang mabawasan daw ang pagkalasing at hangover. Ito’y walang katotohanan at hindi nirerekomenda ng mga doktor.

Alamin ang masasamang epekto ng sobrang pag-inom ng alak: Mga sakit na makukuha sa sobrang pag-inom ng alak.