Solusyon para sa paghihilik sa pagtulog

Ang maingay na paghihilik na resulta ng hindi maayos na pagdaloy ng hangin sa ilong at bibig habang natutulog ay isang problemang inaayawan ng marami sa atin. Dahil dito, ang mga taong nakakarinig ng maingay na hilik ay kadalasang napapagkaitan ng maayos at tuloy-tuloy na tulog. Upang hindi mamroblema tungkol sa paghihilik, maaaring sundin ang mga sumusunod na tips para dito.

Image Source: www.wikihow.com

1. Matulog nang naka-tagilid

Ang paghihilik ay maaaring dahil sa maling pustura habang natutulog. Kung ang ulo ay masyadong nakabagsak dahil maliit lang ang unan na ginagamit, maaaring maharangan ang hangin na dumadaloy sa lalamunan at magdulot ng maingay na tunog. Subukang matulong nang nakatagilid upang mabawasan ang paghihilik.

2. Iangat ang ulo habang natutulog

Sa tulong ng mas malaking unan, iangat ang ulo habang natutulog. Mas makadadaloy nang maayos ang hangin sa lalamunan kung iaangat ang ulo sapagkat nababawasan ang pressure sa leeg habang nakahiga.

3. Magbawas ng timbang

Ang paghihilik ay maaaring sintomas ng sobrang timbang ng katawan. Dahil ito sa karagdagang bigat bandang leeg na nagdudulot ng pressure sa daluyan ng paghinga na siya namang nagdudulot ng tunog habang natutulog.

4. Itigil ang paninigarilyo

Maaaring magdulot ng iritasyon sa daluyan ng paghinga ang paninigarilyo. At ang resulta, mas mapapadalas ang paghihilik

5. Gamutin ang karamdamang nakakaapekto sa daluyan ng paghinga.

Kung may karamdaman gaya ng hika, allergy, o ubo, laging uminom ng gamot lalo na bago matulog. Ang mga kondisyong ito ay maaaring magdulot din ng iritasyon at makaharang sa maayos na daloy ng hangin sa lalamunan.

6. Iwasang uminom ng alak at pampatulog

Mas mataas din ang posibilidad ng paghihilik sa mga taong nakatulog dahil lasing at uminom ng gamot na pampatulog.