Ang panunuyo ng balat ay isang pangkaraniwang kondisyon na nararanasan ng marami sa atin. Ang kondiysong ito ay naaapektohan daw ng iba’t ibang salik gaya ng genetiko, klima, at mga pang-araw-araw na gawain gaya ng paliligo ng mainit na tubig at kakulangan ng mahahalagang sustansya. Ang taong may nanunuyong balat ay makararanas ng pagtutuklap ng balat, madalas na pangangati, magaspang, at madaling pagbibitak-bitak ng balat.
Kung dumaranas ng ganitong kondisyon, payo ng mga dermatologist, sundin ang mga sumusunod na tips.
Image Source: blufashion.com
1. Gumamit ng moisturizer.
Mahalaga ang paggamit ng produktong moisturizer kung dumaranas panunuyo ng balat. Maraming uri ng lotion at pinapahid na cream ang mabibili sa mga pamilihan na epektibo namang tumutulong na panatilihing moist ang balat. Mas epektibo kung gagamitin ang mga produktong ito pagkatapos maligo at bago matulog. Basahin ang mga alternatibong gamit sa pag-iwas ng panunuyo ng balat: Alternatibong gamot para sa nanunuyong balat.
2. Bawasan ang haba ng paligo at gumamit ng malamig na tubig.
Isa sa mga pangunahing dahilan ng panunuyo ng balat ay ang madalas at mahabang paliligo. Ito’y sapagkat nababawasan ang natural na langis na taglay ng balat na siyang nagpapanatiling moist ng balat. Mas matindi din ang pagkawala ng natural na langis kung gumagamit ng mainit na tubig sa pagligo.
3. Bawasan ang paggamit ng matapang na sabon.
Ang sabon na ginagamit ay may malaking epekto rin sa panunuyo ng balat. Piliin ang mga sabon na banayad sa balat nang hindi rin mabilis na maalis ang natural na langis sa balat.
Image Source: treehugger.com
4. Iwasan ding kuskusin ng marahas ang balat
Ang paggamit ng bato, luffa, at magspang na tuwalya ay pare-pareho ding nakakatuyo ng balat. Gawin lamang ang pagkukuskos nang marahan nang hindi masira ang natural na langis ng balat. Kung bagong ligo o bagong hilamos, iwasan din na kuskusin ng marahas ang balat gamit ang tuwalya. Sa halip, dampi-dampi lamang hanggang sa ang balat ay matuyo.
5. Iwasan ang mga produktong nakakatuyo ng balat.
May ilang mga produktong panlinis ng bahay gaya ng mga detergent at cleansers na malakas makapanuyo ng balat. Mabuting iwasan din na madikit ang mga ito lalo na kung nanunuyo na ang balat. Sanayin ang sarili sa paggamit ng gloves o anumang proteksyon sa balat kung kinakailangang maglinis.
6. Iwasan ang paggamit ng pinapahid na alkohol
Isa rin sa mga side effect ng mga produktong may alkohol ay ang panunuo ng balat. Inaalis kasi ng alkohol ang mga tubig sa cells ng balat na siyang sanhi ng panunuyo. Kung lilinisin ang balat gamit ang alkohol, huwag kaligtaan na gumamit ng moisturizer pagkatapos.
Image Source: economictimes.indiatimes.com
7. Iwasan ang pag-inom ng alak
Bukod sa masasamang epekto ng alak sa kalusugan, partikular sa atay, ang madalas na pag-inom din ng alak ay malakas makapanuyo ng balat. Dahil ito sa talgay na alkohol ng inuming alak na inaalis din ang tubig sa mga cells ng balat, at ang resulta, panunuyo ng balat. Basahin ang iba pang masasamang epekto ng alak sa kalusugan: Masasamang epekto ng sobrang alak.
8. Iwasang magbilad sa araw
Ang UV rays mula sa sinag ng araw ay hindi lamang nakakasunog ng balat. Nakadaragdag din ito sa panunuyo ng balat at pagkamatay ng mga masisiglang skin cells. Hanggad maaari, gumamit ng proteksyon mula sa araw gaya ng payong, o kaya naman ay gumamit ng sunscreen lotion na may mataas na SPF. Basahin ang masasamang epekto ng Ultra Violet sa kalusugan: Masasamang epekto ng UV light.