Bukod sa abala ng hindi makontrol na pag-agos ng ihi mula sa pantog, ang kahihiyan na nararamdaman ng indibidwal na may ganitong kondisyon ay ilan lamang sa mga kinakaharap ng mga taong nakararanas ng incontinence. Para sa mga dumaranas ng urinary incontinence o hirap sa pagkontrol ng ihi, maaaring sundin ang sumusunod na tips upang matulungan ang kondisyon.
Image Source: wilx.com
1. Magpatingin sa doktor
Ang pagpapatingin sa doktor ang uang hakbang na dapat gawin para matulungan ng urinary incontinence. Makatutulong ang doktor sa pagbibigay ng payo at reseta ng gamot na makatutulong sa pagkontrol ng pag-ihi.
Image Source: learnenglishteens.britishcouncil.org
2. Magtala sa isang diary
Huwag kakaligtaan ang pagtatala sa isang diary ng mga panahon na dumanas ng pag-agos ng ihi. Ang talaang ito ay makatutulong sa pag-aaral at paggagamot ng doktor sa nararanasang kondisyon.
Image Source: azernews.az
3. Limitahan ang mga pagkain at inumin na makakapagpalala ng kondisyon
May ilang mga pagkain at inumin na nakakapagpalala lang ng kondisyon sapagkat mas napapabilis ang pagdami ng ihi na nasa pantog. Kapag napuno ang ihi sa pantog, mas madaling lumabas ang ihi.
Image Source: nbcnews.com
4. Magbawas ng timbang
Ang sobrang timbang o kondisyon ng obesity ay isa sa mga salik na nakakapagpataas ng posibilidad ng pagkakaroon ng ganitong kondisyon. Dahil sa taba na naiipon sa katawan, nadaragdagan ng pressure sa pantog.
Image Source: theconversation.com
5. Huwag manigarilyo
Ang kemikal na nikotina mula sa sigarilyo ay maaaring maka-irita sa pantog kung kaya’t tataas din ang posibilidad ng pagkakaroon ng urinary incontinence.
Image Source: chicagotribune.com
6. Magsuot ng diaper na para sa matanda.
Kung kinakailangang lumabas at natatakot na baka biglang bumuhos ang ihi, magsuot na lamang ng diaper na makasisipsip sa sa lalabas na ihi.
Image Source: menshealth.com
7. Laging magbawas bago lumabas ng bahay
Ugaliin din na umihi muna bago lumabas ng bahay. Pilitin ito hanggang sa wala nang mailabas na ihi.
Image Source: nytimes.com
8. Mag-ehersisyo
Ang regular na pag-eehersisyo naman ay mahusay na paraan mapalakas ang mga kalamnan sa paligid ng pantog. Sa ganitong paraan, matutulungang palakasin muli ang kontrol sa pag-ihi.