Q: tatangkad pa ba ako sa edad kong 24?
A: Malamang, babae o lalaki ka man, hindi na. Tingnan ang artikulong “Tatangkad pa ba ako?” sa Mediko.PH para sa mga kaalaman tungkol sa pagtangkad.
Ayon sa naturang artikulo, ang “growth spurt” ay karaniwang dumarating sa edad 12-16, at ang pagtangkad ay patuloy hanggang edad 18 sa mga lalaki; at mas maaga pa sa mga babae. May konting pagtangkad parin (1-2 pulgada) na maaaring maganap hanggang edad 21-23. Sa mga edad na ito ay nagsasara na ang “growth plate” sa mga buto kaya hindi na maaaring tumangkad pa ng higit sa edad na ito.
Sana ito ay makatulong. Paalala lang, kung edad 24 ka na pataas, sarado na ang mga ‘growth plate’ sa buto; ibig-sabihin narating mo na ang pinaka-matangkad mong mararating. Huwag maniwala sa mga gamot o anumang paraan na pinapangakong magpapatangkad sa iyo.