Q: gud am po. ano po ba ang pwede maging sanhi ng pag-ungol sa pagtulog. hind ko naman po masasabi na binabangungot. ang nangyayari po – nadidinig ko po mismo un sarili ko na umuungol kapag napapahimbing na po ako ng tulog.once na madinig ko po yung pagungol.. mapapamulat na po ako nun.
A: Ang mga problema sa pagtulog, na bibansagang mga “parasomnia” sa terminolohiyang medikal, ay nakaka-apekto sa maraming to ngunit ito’y nananatiling misteryo sa mga doktor. Maraming pagtatangkang unawain ang paliwanag sa mga ito, ngunit sa karamihan dito, hindi pa talaga tiyak kung ano ang mga sanhi.
Ang pag-ungol habang natutulog ay tinatawag na catathrenia, na kaiba sa ating tinatawag sa ‘bangungot‘ o ‘binabangungot’. Bagamat nakakasagabal sa taong apektado nito, at maging sa kasama niya pagtulog, hindi naman seryoso o malalang karamdaman ito. Kulang pa ang pag-aaral sa karamdaman nito, ngunit ang maipapayo ko sa’yo ang tingnan ang iyo ay tingnan ang iyong pang-araw-araw na buhay at subukang i-ugnay ito sa pagtulog. Halimbawa, ito ang ilang mga payo sa mas maginhawang pagtulog:
- Siguraduhing madilim ang kwarto, at patay ang mga ilaw
- Iwasang uminom ng kape o alak bago matulog
- Maging regular sa schedule ng pagtulog, at tiyaking ito’y nasusunod sa araw-araw
- Mag-exercise araw-araw. Nakakatulong rin sa pagiging mahimbang nang tulog ang pag-eehersisyo.
Kung patuloy na nagiging sagabal ang pag-ungol sa tulog, magpatingin sa iyong doktor kung anong mga pwedeng gawin para dito.