Vertigo o nahihilo pagkatapos bumangon: Anong gamot?

Q: good day, ako po c m., 28 yrs old. hindi ko po alam ang nangyayari at kung anong gamot ang iinomin ko.pagkagising ko ay bigla nalang ako nahilo lalo na nang subukan kong bumangon, tapos pinagpawisan na ako ng malamig at parang nasusuka ang pakiramdam ko. ano po ba ang karamdamang ito at paano ito nagagamot?

A: Magandang araw din. Sapagkat hindi kita na-examine, hindi kita mabibigyan ng diagnosis; hindi ko masasabi kung anong karamdaman mo. Ngunit mula sa iyong kwento, ang mga sintomas na iyong nabanggit ay ang mga sumusunod:

  • Nahihilo pagkagising o pagkabangon
  • Pinagpapawisan ng malamig
  • Parang masusuka ang pakiramdam

Ang mga sintomas na ito ang maaaring tumutukoy sa sakit na ‘vertigo’ o ‘benign paroxysmal positional vertigo’ (BPPV), na isang karaniwang karamdaman. Ang sakit na ito ay inuumpisahan sa biglaang pagbabago sa posisyon ng ulo, kung kaya’t ang pagsumpong ang nangyayari sa paggising, paggalaw sa kama, o biglaang pagbangon.

Ang BPPV ang napag-alamang ding napapalala na stress (sa trabaho, sa pamilya, sa buhay) at kakulangan ng tulog.

Anong gamot sa BPPV o vertigo? Ang gamot sa karamdamang ito ay hindi iniinom, kundi isinasagawa: mga ehersisyo na kelangang gawin araw-araw ng taong apektado nito. Ang mga ehersisyong ito ay itinuturo ng mga doktor at therapist pagkatapos na konsultasyon sa iyong doktor. May mga gamot din na pwedeng inumin subalit ang mga ito ay hindi karaniwang kailangan, at angkop lamang sa mga malalang kaso.

Kaya ang payo ko sa iyo ang magpatingin sa isang spesyalista (EENT) o sa kahit sinong doktor upang matukoy ang iyong karamdaman ang mabigyan ka ng angkop na mga ehersisyo upang malunasan ang iyong ‘vertigo’.