Vitamins na pampatangkad? Tatangkad pa ba ako?

Q: may pag-asa pa bang tumangkad ang 18 yrs old ano ang mga vitamen na kailangan – Jack

A: Hello Jack, oo, may pag-asa pa na tumangkad ka. Karaniwan, ang pagtangkad ng mga lalaki ang tumagatal hanggang sa ika-21 na taon, subalit hindi karin dapat mag-expect na malaki na ang itatangkad mo sapagkat ay “growth spurt” o panahon ng mabilisang pagtangkad ay lumipas na. Iba’t ibang ang bilis at antas ng pagtangkad ng mga tao, kaya depende rin ito. Ang masasabi ko lang, may pag-asa pa.

Tungkol naman sa bitamina o vitamins na pampatangkad, sa ngayon, walang gamot, bitamina, o anumang bagay na maaaring magpatangkad ng higit sa normal na pagtangkad. Ipagpatuloy lang ang pagkain ng masustansyang pagkain at wastong nutrisyon, at maging aktibo sa sports at exercise.

Ang pinaka-mabisang lunas ay huwag mag-alala tungkol sa iyong tangkad. Kung gusto mong pagandahin ang iyong katawan, huwag pagtuunan ng pansin ang pagtangkad, at huwag ring magpaloko sa mga taong nag-aalok ng magpapatangkad sa iyo.